PDA

View Full Version : Eskwelahan atbp


dream_catcher
08-12-2009, 08:45 PM
Ang Philippine Tiong Se Academy ang pinakamatandang eskwelahan ng mga Chinese sa Pilipinas. Anglo-Chinese School ang dating pangalan nito at itinatag noong Abril 15, 1899.
***
Ang Philippine Cultural College na matatagpuan sa Maynila ay itinatag ng Philippine Chinese Educational Association noong 1923 sa pamumuno ni Carlos Palanca Sr. bilang isang private, non-sectarian se­condary school. Nagsimula ito na may 47 mag-aaral at dalawang silid-aralan lamang.
***
Ang Esteban Abada Elementary School ay isang public school na matatagpuan sa Project 7, Quezon City. Ipinangalan ito kay Esteban R. Abada, isang dating senador ng Pilipinas. Ikinukunsidera ng Department of Education (DepEd) bilang Model of Excellence School ang nasabing paaralan.
Mayroon ding Esteban Abada High School na matatagpuan naman sa Sampaloc, Maynila.
***
Si Dionisio “Chito” Calvo ang ikinukunsi­derang “Ama” ng basketball sa Pilipinas. Siya ang kauna-unahang Filipino na naging contributor ng Federation Internationale de Basketball Hall of Fame (FIBA) noong 2007. Siya rin ang unang Pinoy na naging secretary general ng Asian Basketball Confe­deration mula 1963 hanggang 1967. Itinatag din niya ang Manila Industrial and Commercial Athletic Association (MICAA) noong 1938 at co-founder ng Asian Basketball Confederation noong 1960.
Isang dating basketball player at national team head coach si Calvo na malaki ang naitulong sa larangan ng basketball sa Pilipinas at Asya.
***
Si Dr. Florentino T. Timbreza ang itinuturing na “Ama ng Pilosopiyang Filipino”. Siya ang ­unang Pinoy na sumulat ng kauna-unahang libro ukol sa Pilosopiyang Filipino. Isa rin siya sa mga may-akda ng kauna-unahan at tanging Encyclopedia of Philosophy in the Philippines. Kauna-unahang Pinoy rin na nagpresenta at idinepensa ang kanyang dissertation paper sa wikang Pilipino para sa doctorate degree sa Philosophy. Siya rin ang unang Pinoy na nagsalin sa wikang Pilipino ng Tao Te Ching ng Chinese philosopher na si Lao Tzu.
***
Si Isabelo de los Reyes ang ikinukunsidera bilang “Ama ng Unyon ng mga Manggagawa” sa Pilipinas. Kanyang itinatag at pinamunuan ang kauna-unahang unyon ng mga manggagawa sa bansa, ang Union Obrera Democratica Filipina noong 1902. Itinatag din niya ang unang pahayagan na El Ilocano, na gumamit ng sariling wika noong 1889 kung saan naging patnugot din siya. Si De los Reyes din ang nagtatag at unang patnugot ng unang pahayagan ng mga manggagawa sa bansa na pinangalanang La Redencion del Obrero (The Redemption of the Laborer).

fuko
08-13-2009, 08:40 PM
Ang Philippine Tiong Se Academy ang pinakamatandang eskwelahan ng mga Chinese sa Pilipinas. Anglo-Chinese School ang dating pangalan nito at itinatag noong Abril 15, 1899.
***

saang lugar kaya to :-?

dream_catcher
08-13-2009, 09:23 PM
Ang Philippine Tiong Se Academy ang pinakamatandang eskwelahan ng mga Chinese sa Pilipinas. Anglo-Chinese School ang dating pangalan nito at itinatag noong Abril 15, 1899.
***

saang lugar kaya to :-?


Philippine Tiong Se Academy, formerly known as Anglo-Chinese School, was founded in April 15 (http://en.wikipedia.org/wiki/April_15), 1899 (http://en.wikipedia.org/wiki/1899). In its 110th (http://en.wikipedia.org/w/index.php?title=110th&action=edit&redlink=1) year of existence, it is the oldest Chinese school (http://en.wikipedia.org/wiki/Chinese_school) in the Philippines (http://en.wikipedia.org/wiki/Philippines). It is located in San Nicolas, Manila, near the famous Divisoria. Many of the students graduated from Tiong Se Academy proceed their college degree at PSBA (http://en.wikipedia.org/w/index.php?title=PSBA&action=edit&redlink=1)

fuko
08-13-2009, 09:34 PM
^ah d ko nabasa kc ung divisoria :D

dream_catcher
08-13-2009, 09:40 PM
my pleasure to share the infos..:-*:-*

FrEak
08-16-2009, 01:19 PM
wow! nice infos dream :D

akeldama
01-30-2010, 10:23 AM
nice................