Bhatugan.com SocialTwist Tell-a-Friend

Short Stories and Essays Share your favorite stories and essays here.


Reply
 
Thread Tools Display Modes
  (#1) Old
ice_princess Offline
Katuga
ice_princess is on a distinguished road
 
ice_princess's Avatar
 
Posts: 110
Thanks: 5
Thanked 4 Times in 3 Posts
Join Date: Jan 2009
Location: Baguio
Rep Power: 601
Default Note and Apples - 09-02-2009, 09:13 PM

Tanghali na naman, ilang oras ding bakante ako kasi nagcheck lang naman sila ng attendance, walang klase. Tumambay muna saglit sa lobby bago tuluyang lumabas ng school building at didiretso sa fave kong netshop. Nasalubong ko na naman siya, di ko alam kung nananadya ba talaga siya o nagkataon lang, bakit ba yung taong pilit mong iniiwasan siya pa ang madalas mong makita? Posible rin kayang nasanay lang siguro ang dalawa kong mata na titigan siya kaya madali ko siyang makita kahit madami ang tao? Naramdaman kong nakatingin rin siya sakin, nakipagtitigan ako, titig na di ko mawari kung tumatantiya ba o nanunuri. "Namayat siya" naisip ko, ngumiti siya, ngiting may bahid ng pangingimi, di ko ibinalik ang mga ngiting yun. Nagbaba siya ng tingin waring napahiya, saka siya naglakad palapit sakin.

Nais kong lumayo sa kanya, lihim na nagdadasal na sana lamunin nalang ako sa lupa ng mga sandaling yun, di ko alam kung bakit di ko magawang kumilos, parang kung anong puwersa ang pumipigil sa paa ko na makahakbang palayo. Nakalapit siya ng di ko namamalayan, "Hi" halos pabulong na sabi niya, di ko siya sinagot, ni tignan siya di ko nagawa. "Para sayo" sabay abot sa plastic bag na pula na may lamang di ko mawari. Naumid ang dila ko, di malaman ang dapat sabihin, di ko alam kung dapat ko bang kunin iyon at magpasalamat sa kanya. Inangat ko ang ulo mula sa bahagyang pagkakayuko, pasimpleng tinitigan ang kanyang pamilyar na mukha, ang maliit at nakatagong peklat sa may noo, ang nunal malapit sa kanyang mata, ang isang hikaw sa tenga na mejo natatakpan ng kanyang unat at may kahabang buhok para sa isang lalake.

Naginit ang mukha ko nang marealize ko kung anong aking ginagawa, "para saan yan?" nasambit ko ng mahina para siya lang ang makarinig saka ako tumingin sa kanya , bahagyang nakatihaya. Kahit na mataas ang takong ng sapatos ko mas matangkad pa rin siya sakin. Namula siya sa aking tinuran, bahagyang natigilan, ilang beses ko ding napansin ang kanyang paglunok, waring kumukuha ng buwelo. "I just thought maybe... pwedeng sumabay pauwi?" Tinignan niya ako, di ko alam kung pano napanatiling blangko ang ekpresyon ng mukha, "alam ko namang you will never accept my invitation if I ask you out... kahit na coffee lang sana. We.. I need to talk to you, please".

Di ko na sinagot ang kanyang sinabi, bumalik ako sa loob ng UB Square, lakad- takbo ang aking ginawa, di na lumingon kahit na narinig kong tawagin niya ako, sumabay ako sa mga estudyanteng kakalabas lang ng kanilang mga klase, naramdamang ko nalang na may humawak sa 2 siko ko, pumalag ako pero di niya pa rin binitawan. Inikot niya ako paharap sa kanya na naging dahilan ng pagkakabitaw ko sa bag na dala ko, "Teka lang, bat mo ako nilayasan?", "May klase pa ako" pagsisinungaling ko. Binitawan niya ang pagkakahawak sakin saka sinabing, "Mamaya pang hapon ang sunod na klase mo", pagkarinig ng kanyang sinabi saka ko lang naalala. "Lagot na, alam niya nga pala sked ko" sa loob-loob ko, pasimpleng humugot ng huminga at naglakas loob na bigkasin ang mga salitang "Paki mo ba" kasabay ng marahang pagtaas ng kanang kilay. Di ko na hinintay ang sagot niya, nakipagunahan siya sa pagpulot ng bag ko, nauna ako, kinuha niya ang nilapag kong paper bag saka inabot sakin iyon, pahablot kong kinuha ito sa kanya saka ko siya tinalikuran, ni hindi ko man lang nilingon ang kumag, dire-diretso ako sa labas at pumara ng taxi.

"San tayo miss?" tanong sakin ng taxi driver na mejo konti lang ang itinanda sakin, sasabihin ko sanang ideretso ako sa aming bahay sa Honeymoon Road pero "sa SM kuya" ang namutawi sa bibig ko. Sa loob ng taxi habang nakatingin sa labas ng bintana, binalikan ko ang nangyaring eksena sa pagitan namin ng lalaking yun, pansamantalang naiwaglit lang sa isipan ng may biglang tumawid na bata na naging dahilan ng biglaang pagpreno ng driver kasabay ng lantaran niyang pagmumura. "Okay ka lang miss?" tanong niya sakin, tango nalang ang tanging naisagot ko, saka niya binalingan ang bata at pinagalitan. Sinamantala ko naman ang panandaliang pagkakatigil ng sinasakyang taxi para pulutin ang mga gamit na nalaglag. Bahagya kong nasipa ang kakalapag ko lang na paper bag sa aking paanan na naging dahilan upang ito'y muling matumba, gumulong mula dito ang isang mansanas na sinundan ng isa pa, sinilip ko ang loob ng bag at nakita ko ang pulang plastic bag na kani-kanina lang ay iniaabot ng lalakeng yun sakin. Napansin ko ang isang maliit na papel na nakatiklop sa dalawa, binuklat ko at tumambad sakin ang isang sulat-kamay na pamilyar.
"Apples work better than coffee at keeping you awake.... Niel".

Napatingin ako sa hawak kong can ng chilled coffee na binili ko kanina-kanina lang, saka napailing.


Author's Note: august 12, 09, around 1:30-2:00 pm, share ko lang po, feel free na laitin
   
Reply With Quote
  (#2) Old
babybeau Offline
Bhatuganian
babybeau is on a distinguished road
 
babybeau's Avatar
 
Posts: 7,541
Thanks: 379
Thanked 274 Times in 237 Posts
Join Date: Jan 2009
Location: ditto sa aming munting kubo..
Rep Power: 677
Default Re: Note and Apples - 07-29-2010, 08:17 PM

hmmm di ko ma grasp.. wait lang


Kung buhay ko man ang kapalit upang sumaya ka, Malungkot ka na lang...

[Rules][Newbie Guide][Board Guide][Attendance][Bhatugan.Net][Bhatugan Blog]
[Bhatugan'sVIP]
[Anniversary]




   
Reply With Quote
Reply

Bookmarks

Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

BB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off

Forum Jump


All times are GMT +9. The time now is 10:19 AM.


Powered by vBulletin® Version 3.8.4
Copyright ©2000 - 2010, Jelsoft Enterprises Ltd.
Copyright © 2008 - 2010 Bhatugan.com